Kilala ang bansang Pilipinas, bilang text capital of the World, dahil sa pagkahilig ng mga Pilipino sa pag-text gamit ang kanilang mga smartphones o cellphones.
Kaya naman, ikinababahala ito ng ilang mga medical experts, lalong-lalo na yung mga nasa field ng orthopedic o mga dalubhasa sa pag-aaral ng buto at spine ng bawat tao.
Kung dati-rati’y kinakatakutan ang problemang maaring danasin ng isang sugapa sa text messaging ay ang mga buto sa mga daliri dahil maari itong manigas na tawag ay Repetitive Strain Injuries (RSI) lalo na sa hinalalaki o text thumb injury.
Ngayon, may bagong findings ang mga doctor dahil bukod sa mga daliri o hanggang braso, ang pagtetext ng matagal ay humahantong sa problema sa leeg.
Ang tawag dito ay ang “Text Neck”, dahil animo’y makukuba ka dahil sa kakayuko mo kapag pindot-pindot mo ang iyong cellphone.
Para sa mga eksperto, madalas ang mga kabataan na may edad siete anyos pataas ang lapitin sa injury na ito dahil sa maselan pa ang kanilang mga leeg o mga buto nito.
Ang madalas na pagyuko, ay katumbas iyan ng pagkarga mo ng isang bata sa iyong leeg kung kaya’t ito ay nawawala sa tamang posisyon.
Upang di ka magkaroon ng “text neck”, ay iwasang yumuko ng matagal kapag kayo ay nagtetext sa inyong cellphone.
Subukang ituwid ang pagbabasa ng cellphone o eye level na di ka kumukuba.
Sa simula ay maninibago ka, pero ang mas bigyang pansin ay ang epekto nito sa hinaharap, dahil kung di ka makikinig, sige ka makukuba ka sa kaka-text.