Nasa 625,000 Pisong halaga ng shabu ang nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency at Cotabato Provincial Police office sa bahay ng Pangulo ng Cotabato Foundation College for Science and Technology.
Sinalakay ng mga otoridad ang staff house ng suspek na si Samson Molao sa mismong compound ng paaralan sa Barangay Doroluman, Arakan, North Cotabato.
Ayon kay PDEA Spokesman Derric Carreon, bukod sa 125 kilo ng shabu, narekober din sa bahay ni Molao ang 13 armas na kinabibilangan ng isang M-14, AK-47 at apat na M-16 rifles.
Bagaman naaresto ang tatlo umanong katiwala ni Molao ang naaresto, nakatakas naman ang college official.
Batay sa impormasyon mula sa intelligence units ng AFP at PNP, may kaugnayan si Molao sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at sumusuporta sa grupo sa pamamagitan ng drug money.