Hinimok ng grupo ng commuters ang Department Of Transportation (DOTR) na maghanap ng iba pang supplier ng beep card para maserbisyuhan ang maraming pasahero na sumasakay ng bus.
Ayon kay Atty Ariel Inton, Founder at Pangulo ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) hindi sapat ang 125K pieces ng beep card para sa libo-libong pasahero na sumasakay araw-araw.
Sinabi ni inton na maghanap ng ibang beep card provider ng DOTR para madagdagan ang card na magagamit ng mga pasahero.
Iminungkahi din ni Inton ang paggamit ng QR code kapalit ng beep card para sa mga single journey para wala ng card na binabayaran.
Subalit kung card naman ang gagamitin maaaring maglagay ng advertisement na ilalagay sa card para ito ang gagastusin sa paggawa ng beep card.
Tutol din ang grupo na balikatin ng gobyerno ang gastos sa pagpapagawa ng card dahil kukunin din sa buwis ng taumbayan ang gagamitin para rito.
Umapela si Inton na sana ay manaig ang kapakanan ng pilipinong pasahero at hindi ang monopolyong pagnenegosyo.