Umabot na sa 127 ang bilang ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) na nasawi dahil sa COVID-19.
Batay sa datos ng PNP, 208 ang bagong napaulat na tinamaan ng COVID-19 kaya’t pumapalo na sa 46,737 ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 1,489 ang aktibong mga kaso habang nasa 46,737 naman ang total recoveries sa PNP.
Samantala, umakyat na sa 218,487 o katumbas ng 97.02% na mga personnel ang nakatanggap na ng kumpletong bakuna laban sa COVID-19; 5,798 o 2.57% ang naghihintay pa ng second dose; at 89,119 o 40.79% na mga pulis ang naturukan na ng booster shots.