Pinababawi ng 128 bansang kasapi ng United Nations ang naging deklarasyon ni US President Donald Trump na kilalanin ang Jerusalem bilang kabisera ng Israel.
Ayon sa kinatawan ng Turkey, isa sa mga bansang unang nagsalita kontra sa US Jerusalem declaration, labag sa international law ang ginawa ni Trump.
Sa panig naman ng kinatawan ng Israel, panahon pa ng pagbuo ng bibliya ay kinilala na ang Jerusalem bilang kabisera ng kanilang bansa.
Samantala, sinabi naman ni US Envoy to the UN Nikki Haley, kahit ano pa man ang naging desisyon ng United Nations ukol sa isyu ay mananatili ang pasya ng Amerika na kilalanin ang Jerusalem bilang kapitolyo ng Israel.
—-