Naitala ng Department of Health (DOH) ang nasa 128 karagdagang kaso ng OMICRON subvariant ng COVID-19.
Ito’y natukoy batay sa pinakahuling genome sequencing na isinagawa nuong Enero 3 – Enero 9.
Ayon sa kagawaran,52 dito ay natukoy bilang BA.2.3.20,1 kaso ng BN.1,10 ang BA.5,28 ang XBB, 13 naman ang XBC at 24 ang iba pang OMICRON SUBVARIANTS.
Samantala, kabilang sa mga bagong kaso ng BA.5 ay ang 3 kaso ng BF.7 at 1 BQ.1.