Nagsimula nang ilikas ng provincial government ng Camarines Sur ang mga residente nito bilang pag-iingat sa Bagyong Rolly.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nasa 128 mga pamilya mula sa Barangay Ipil at Iraya sa bayan ng Buhi ang inilikas.
Batay sa pinakahuling abiso ng PAGASA, nakasailalim ang probinsya ng Camarines Sur sa tropical cyclone wind signal number 2.