Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,283 na bagong impeksyon ng Covid-19 na may pinakamataas na bilang sa loob ng limang araw, habang may 18,899 ang aktibong kaso.
Ito ang ikalawang araw na sunod-sunod na may mahigit 1,000 kaso.
Tumaas naman sa 487 ang active tally mula noong Huwebes na may 18,412 habang 4,038,716 ang total caseload sa bansa.
Umabot na sa 64,682 mula sa 64,658 ang bilang ng mga nasawi habang 24 ang bagong namatay sa loob ng pitong araw.
May pinakamataas pa rin na bilang ang National Capital Region (NCR) na may 4,472 cases, sinundan ng CALABARZON 1,912, Western Visayas; 1,005, Central Luzon; 997 at Central Visayas; 958. —sa panulat ni Jenn Patrolla