Aabot sa mahigit isang libo tatlong daan ang sinibak ng Philippine National Police sa puwesto dahil sa misconduct sa nakalipas na taon, ayon sa law enforcement agency.
Ayon sa PNP, naresolbo ang nasa tatlong libo anim na raang kaso laban sa police officers mula 2024 ng Abril hanggang Abril 2025.
Nagresulta ang mga kaso sa 172 demotions, 1,456 suspensions, at iba pang parusa gaya ng salary forfeitures, restrictions at reprimands.
Pagbibigay diin pa ng law enforcement agency na ang mga hakbang na ito ay sumasalamin sa sinumpaang pangako ng PNP na paigtingin ang disiplina ng ahensya at pagtataguyod ng tiwala ng mga tao.—sa panulat ni Jasper Barleta