12 libong vaccination sites ang itatatag para sa ikatlong national vaccination drive na idadaos sa February 10 hanggang 11.
Ayon kay health undersecretary Maria Rosario Vergeire, tutulong sa ikatlong “Bayanihan, Bakunahan” ang mga private sector, religious sector, at medical societies.
Nilinaw naman ni vergeire na ang vaccination sites sa gagawing national vaccination drive ay hiwalay sa nagpapatuloy na COVID-19 vaccination sa mga batang edad 5 hanggang 11.
Una nang sinabi ni vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na target ng pamahalaan na mabakunahan kontra COVID-19 ang anim na milyong indibidwal sa ikatlong national vaccination drive.