Tinatayang 13.2 million o halos 50% ng pamilyang Pilipino ang ikinokonsidera ang kanilang sarili na mahirap nuong huling bahagi ng 2024.
Ayon sa Tugon ng Masa survey ng OCTA Research, ang nasabing bilang ay mas mataas kumpara sa naitalang 43% o 11.3 milyong pamilya noong third quarter nang nakaraang taon.
Kaugnay nito, tumaas naman sa 16% o 4.2 million na pamilyang Pinoy ang nakaranas ng involuntary hunger o kagutuman.
Lumabas din sa survey na nasa 49% o 12.9 million ng mga pamilya sa bansa ang itinuturing ang kanilang sarili bilang food-poor noong fourth quarter ng 2024.
Mas nataas ito kumpara sa 42% o mahigit 11 milyong pamilya na naitalang noong third quarter ng nasabing taon.
Isinagawa ang naturang survey sa 1,200 respondents na may edad 18 pataas nuong buwan ng Nobyembre ng nakaraang taon. - sa panulat ni Kat Gonzales