Target ng pamahalaan na mabakunahan ang 13.5 milyong indibidwal na may edad 5 hanggang 11 taong gulang.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kung maaaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization (EUA) ng COVID-19 vaccines para sa mga bata maaaring maabot ang nasabing target.
Dagdag ni Vergeire, mayroon pang darating na 40 milyong doses ng bakuna bago matapos ang taon.
Maliban dito, wala pa namang eksaktong petsang tinukoy ang kagawaran sa pagbabakuna sa mga bata dahil inaantay pa ang desisyon ng mga health authorities hinggil sa COVID-19 vaccine brand na maaaring iturok sa nasabing age group.
Samantala, inirekomenda naman ng US FDA Advisers na ang paggamit ng Pfizer COVID-19 vaccine para sa mga bata sa naturang age group ay mayroong 90% bisa sa pag-iwas sa naturang virus.