Umaabot sa $13.5 billion dollars ang investment deals na nalikom ng Philippine delegation mula sa government at private investors sa China.
Ayon kay Trade Sec. Ramon Lopez, inaasahang makakalikha ito ng mahigit 1 milyong trabaho lalo na sa mga lalawigan.
Hindi naidetalye ng kalihim ang mga proyektong paggagamitan ng pondo at mga negosyong itatayo sa Pilipinas mula sa nasabing investment agreements.
Haharap naman ang Pangulong Duterte sa ilang negosyante sa China at lalagda ng kasunduan sa Bank of China.
Una ng nakiusap si Pangulong Duterte sa China na pautangin ang Pilipinas para mapondohan ang mga kinakailangang imprastruktura at mga rehabilitation centers sa bansa.
Ginawa ng Pangulo ang pakiusap sa isinagawang Philippines-China Trade and Investment Forum.
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: AP