Isang 13-anyos na estudyante ang dinukot ng 3 katao kabilang ang mismong ina nito at humingi ng P3-milyong ransom kapalit ng kalayaan ng biktima sa Plaridel, Bulacan
Habang naaresto ng pulisya ang 3 suspek na kinilalang sina Maryrose Medina, ina ng binatilyong biktima; Eleonor Bolosco at Adrian Cortez.
Sa inisyal na imbestigasyon at sa salaysay ng ama ng biktima, hindi na bumalik ang anak matapos magpaalam na pupunta lang ito sa bahay ng kaklase
At isang hindi nagpakilalang indibiduwal ang tumawag sa kanyang telepono at nanghihingi ng P3-milyong bilang ransom para pakawalan ang kanyang anak.
Kasunod nito, nagsagawa ng operasyon ang Provincial Intelligence unit ng Bulacan, Anti-Kidnapping group Luzon Field Unit at Hagonoy Police Station sa pamumuno para sa rescue operations.
Nabatid na naibaba naman sa P550,000 ang ransom matapos na magkatawaran.
Nang maibigay ang ransom, agad sinundo ang biktima sa isang fast food chain sa bayan ng Plaridel kasabay ng pagkakaaresto sa mga suspek.
Narekober ng mga awtoridad sa operasyon ang ransom money, at black chevrolet six na gamit ng mga suspek.
Sinasabing puwersahang ginamit ang biktima ng kanyang ina katuwang ang dalawang kasabwat, at palabasing dinukot para ipatubos at makapaghigante umano ito sa kanyang mister.