Kumpirmadong isang 13 anyos ang nahawaan ng HIV o human immunodeficiency virus.
Ang nasabing biktima ayon sa Reproductive Health and Wellness Center ng Davao ay pinakabata sa halos 2,000 persons living with HIV sa lungsod.
Hindi na nagbigay pa ng dagdag na detalye ang City Information Office kung paano nahawahan ng HIV ang naturang bata.
Mula nitong nakalipas na Hunyo ay nakapagtala na ang center ng 38 bagong kaso ng HIV kung saan 34 sa mga biktima ay mga lalaki.
By Judith Larino | Jandi Esteban