Kalaboso ang isang miyembro ng Philippine Army habang 12 sibilyan din ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa umiiral na COMELEC gun ban.
Nakilala ang Army reservist na nahulihan ng baril na si Eduardo Dinopol Jr. na residente ng Bukidnon na naka-assign sa Jolo, Sulu at naharap sa kasong illegal discharge of firearm.
Batay sa datos ng PNP, nagmula ang iba pang mga nahuli sa National Capital Region, Western at Central Visayas, Soccsksargen at Northern Mindanao.
Nakumpiska ng PNP ang may 10 baril, 4 na deadly weapons, 90 bala at 6 na ipinagbabawal na bagay.
Sa kabuuan, umabot na sa 162 ang mga nahuling lumabag sa gun ban mula sa 27,826 na inilatag na checkpoints ng pulisya.