Napipintong lumaya rin ang 13 convicted criminals na tumestigo laban kay Senadora Leila De Lima sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, sakop ng recomputation ng GCTA o Good Conduct Time Allowance ang sinumang nakulong bago ang 2013 kung saan maaaring maging kuwalipikado ang 13 nabanggit na bilanggo.
Binigyang diin naman ni Guevarra na hindi ito “reward” at walang kinalaman si Pangulong Rodrigo Duterte dahil nakasaad sa batas ang posibleng pagpapalaya sa mga ito.
Kabilang sa 13 nabanggit na convict sina Nonilo Arile, Jojo Baligad, Herbert Colanggo, Engelberto Durano, Rodolfo Magleo, Vicente Sy, Peter Co, Hans Tan at iba pa.