Labing tatlong (13) mga suspek ang napatay sa serye ng mga drug buy bust at police operations ng Philippine National Police (PNP) sa loob ng 24 oras sa lalawigan ng Bulacan noong Marso 21.
Kinilala ni Bulacan Police Director Senior Supt. Romeo Caramat Jr. ang mga napatay na sina Limwell Vernales, Emmanuel Manicad, Mario Alegre, mga alyas Joey, Joel, Pakyaw, Jay-One, France Cortez, Ode, Elmer, Pakdon, Aye at isa hindi pa nakikilala.
Ayon kay Caramat, simula alas 12:00 ng Marso 20 hanggang alas- 11:59 ng Marso 21, umabot sa 57 ang kanilang ikinasang buy bust operations.
Nasa 11 warrant of arrest at dalawang search warrant naman ang kanilang naisilbi habangumabot sa halos 200 suspek ang kanilang naaresto.
Sinabi pa ni Caramat, nakumpiska rin nila ang mahigit 300 sachet o mahigit isang daang gramo ng hinihinalang shabu at 59 na sachet ng marijuana.
—-