Pinasibak ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang 13 opisyal ng gobyerno matapos mapatunayang nagkasala ng grave misconduct, conduct prejudicial to the best interest of service, at dishonesty dahil sa ma-anomalyang paggamit nila ng PDAF ni dating Senador Bong Revilla.
Tinanggal sa serbisyo ang dating assistant ni Revilla na si Richard Cambe, Technology Resource Center Director-General Dennis Cunanan, Chief Accountant Marivic Jover, Budget Officer Consuelo Lilian Espiritu, National Livelihood Development Corporation President Gondelina Amata, Gregoria Buenaventura, Directors Emmanuel Alexis Sevidal at Chita Jalandoni, Project Development Officer Sofia Cruz, Chief Budget Specialist Ofelia Ordoñez, at Evelyn Sucgang; National Agribusiness Corporation General Services Supervisor Victor Roman Cacal at Administrative and Finance Head Rhodora Mendoza.
Dahil sa dismissal order ng Ombudsman, hindi na maaaring muling manungkulan sa gobyerno ang mga nabanggit na opisyal at hindi na nila makukuha ang kanilang retirement benefits.
By: Avee Devierte / Jill Resontoc