13 hanggang 16 na bagyo, posibleng tumama sa Pilipinas ayon sa PAGASATinatayang aabot sa 13- hanggang 16 na bagyo ang posibleng pumasok sa bansa ngayong taon.
Ayon kay PAGASA climate Monitoring and Prediction Section Chief Ana Solis, mas mababa ang bilang na ito sa karaniwang 16 hanggang 20 bagyo.
Kaugnay nito, una nang sinabi ng Department of Science and Technology na may posibilidad na maramdaman ang La Niña sa buwan ng Hunyo
Inilarawan ng PAGASA ang La Niña bilang mga pag-ulan na mas mataas sa normal rainfall condition na maaring magdulot ng pagbaha at landslide.- sa panunulat ni Laica Cuevas