Hinihinala ang bandidong Abu Sayyaf ang siyang nasa likod ng panibagong pagdukot sa 13 Indonesian nationals sa lalawigan ng Tawi-Tawi.
Ayon sa report ng Manila Times, nangyari ang panibagong pagdukot dalawang linggo matapos palayain ang bihag nilang 4 na Malaysian nationals na pinaniniwalaang nagbayad ng ransom.
Lulan ang mga naturang Indonesian nationals ng tugboat charles O-O na naglalayag sa karagatang sakop ng Tawi-Tawi pabalik ng Samarinda sa East Kalimantan nang harangin ng mga nagpakilalang Abu Sayyaf.
Dalawampung (20) milyong Indonesian ringgit o mahigit 200 milyong piso ang hinihinging ransom ng mga kidnapper kapalit ang kalayaan ng mga bihag.
Kahapon, inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pitong Indonesian nationals lamang ang iniulat sa kanilang dinukot sa nasabing lugar.
Subalit mariin namang itinanggi ni Maj. Filemon Tan, tagapagsalita ng Western Mindanao Command ng AFP, na nagkaroon ng insidente ng pagdukot.
By Jaymark Dagala