Pinasibak ni Ombudsman Conchita Carpio Morales sa serbisyo ang mga kapwa-akusado ni dating Senador Jinggoy Estrada sa PDAF Scam.
Hindi na maaaring humawak ng anumang tungkulin sa gobyerno ang 13 akusado makaraang napatunayang nagkasala sila ng grave misconduct, conduct prejudicial to the best interest of the service, at dishonesty.
Dahil sa dismissal order ng Ombudsman, hindi na makukuha ng 13 akusado ang kanilang retirement benefits.
By: Avee Devierte / Jill Resontoc