Umabot na sa 13 katao ang naaresto sa ikalawang araw ng implementasyon ng gun ban.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesman Police Chief Supt. Wilben Mayor, nakakumpiska na ang mga pulis na nasa checkpoint ng 12 ipinagbababawal na mga bagay na kinabibilangan ng siyam (9) na ammunitions, dalawang deadly weapons, at isang replika ng isang baril.
Giit ni Mayor, ipinagbabawal ang pagbibitbit ng replika ng baril dahil maaari itong magamit bilang panakot sa publiko.
Sa ngayon, mayroong 1,661 checkpoints ang PNP na nakakalat sa buong bansa.
By Jelbert Perdez | Jonathan Andal