Nakaranas ng adverse effect o negatibong epekto sa katawan ang 13 katao matapos na maturukan ng bakunang Sinovac mula sa China.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, isa sa 13 naturukan ng bakuna ay nakaranas ng hypertension, tatlo ang nakaranas ng sakit sa kanilang mga braso, isa ang nagkaroon ng rashes, isa ang nakaramdam ng pagsakit ng ulo, at isa naman ang nahilo’t-nagsuka.
Habang ang nalalabing bilang ay hindi na idinetalye ng ahensya kung anong mga adverse effect ang kanilang dinanas.
Pero payo ng health department sa mga naturukan ng bakuna, huwag anila itong matakot dahil mild lamang ang mga naging adverse effect nito.