Patay ang 13 katao habang higit 80 indibidwal ang sugatan dahil sa snowstorm sa Tokyo, Japan.
Dahil dito, umabot sa mahigit 10,000 kabahayan ang walang kuryente.
Ayon sa mga otoridad, maaring magdulot ng lalim na 60 cm ang snow.
Samantala, nagambala ang mga serbisyo ng tren at eroplano sa Northern Japan habang nakakaranas ng trapiko sa ilang bahagi ng gitna at kanluran ng Japan. - sa panunulat ni Jenn Patrolla