13 ang patay habang halos 50 ang sugatan makaraang mabagsakan ng higanteng puno sa bansang Portugal.
Batay sa ulat, natumba ang may dalawang siglo nang Oak tree sa kasagsagan ng isang religious ceremony sa isla ng Madeira.
Ipinagdiriwang sa isla ang kapistahan ng assumption o ang dakilang pag-aakyat sa langit kay Birheng Maria na siyang dinarayo ng mga turista sa Europa.
Nakasaad din sa naturang report na kabilang ang ilang turista mula sa Germany, Hungary at France sa mga nasugatan sa pangyayari.