Patay ang 13 katao matapos umatake ang suicide bombers sa gate ng African Union main peacekeeping base sa Somali Capital na inako ng Islamist militants na Al Shabaab.
Ayon sa mga pulis at nakasaksi, nabasag sa lakas ng pagsabog ang mga bintana sa Mogadishu Airport, sanhi para suspendehin ang mga flights.
Sinabi ng mga pulis na pinasabog ng suicide bomber ang isang car bomb habang ang isa naman ay nabaril sa gate ng pulis dahilan para sumabog ang bombang dala nito.
Kinondena naman ng Amerika ang pag-atake sa mismong peacekeeping force base.
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: BBC