Dalawampu’t tatlo (23) katao ang patay sa stampede sa isang factory compound sa Mymensingh City sa northern Bangladesh.
Daan-daang katao ang sumugod sa gate ng isang factory para makakuha ng libreng damit, dahilan ng nasabing stampede.
Anim (6) katao na kabilang ang may-ari ng factory ang ikinulong ng mga otoridad dahil sa nasabing insidente.
Sa panahon ng Ramadan, nagbibigay ng mga libreng damit sa mahihirap ang mga mayayamang Bangladeshis.
By Judith Larino