Umabot sa 13 katao ang nasawi sa pag-araro ng isang van sa pulutong ng mga tao sa isang sikat na tourist spot sa Barcelona, Spain.
Batay sa inisyal na impormasyon, aabot sa 80 katao ang sugatan kabilang ang isang pamilyang Pilipino sa nangyaring terror attack sa Las Rambas Area.
Naaresto ng mga awtoridad ang 2 suspek sa pag-atake habang inako naman ng grupong Islamic State ang insidente.
By Rianne Briones