Nagpositibo sa COVID-19 ang 13 nakasalamuha ng unang nagkaroon ng UK variant ng COVID-19.
Magugunitang isang 29 anyos na Pilipino ang nagpositibo sa bagong variant ng COVID-19 na sinasabing mas nakakahawa matapos itong manggaling sa United Arab Emirates.
Ayon sa Department of Health (DOH), kasama sa nagpositibo ang girlfriend at nanay ng pasyente mula sa UAE at isang healthcare worker.
Patuloy namang binabantayan ng DOH at Philippine Red Cross ang iba pang nakasalumuha ng naturang pasyente.