13 lugar sa labas ng Metro Manila ang nakitaan ng pagtaas ng COVID-19 cases.
Ito ang sinabi ni Department of Health undersecretary Myrna Cabotaje kung saan kabilang dito ang lalawigan ng Marinduque, Surigao Del Sur, Ilocos Norte, Kalinga, Batanes, Quirino, Catanduanes at Eastern Samar gayundin ang Davao City, Butuan City, Olongapo City, Tarlac City at Angeles City.
Hindi naman tinukoy ni Cabotaje ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bawat lalawigan at sinabing ito’y hindi mahalaga o “significant” pero kailangan na bantayan.
Sa datos ngayong sabado ng DOH, nasa 3,684,300 na ang total COVID-19 cases, 14,696 ang active cases, 3,609,425 ang mga gumaling at 60,179 ang mga nasawi.