Mahigit 13M pamilyang Pilipino o 54% ang nagsabing sila ay mahirap, batay sa survey ng Social Weather Station.
Ito na ang pinakamataas na bilang ng mga nagsabing sila ay mahirap sa nakalipas na 6 na taon mula nang maitala ang 55% nuong September 2014.
Isinagawa ang survey mula December 13 hanggang 1 sa 1,200 respondents.
Pinakamaraming sumagot na sila ay mahirap sa Visayas na umabot sa 67%, 64% sa Midnanao, 47% sa iba pang bahagi ng Luzon at 41% sa Metro Manila.
Gayunman, pinakamalaki ang naitalang pagtaas sa Metro Manila na umabot ng 16%, 13% sa iba pang bahagi ng Luzon, 11% sa Mindanao at 8% sa Visayas.