Mahigit 13 milyong Pilipino ang kailangang i-relocate bunsod ng tumataas na sea levels na inaasahang bibilis pa kumpara sa ibang panig ng mundo dahil sa global warming.
Ito ang inihayag ni dating US Vice President Al Gore sa unang araw ng “The Climate Reality Project” forum sa Maynila.
Ibinabala rin ni Gore na magpapatuloy na makararanas ng extreme weather events ang mundo kung hindi magtutulungan ang lahat ng bansa upang mabawasan ang greenhouse gas emissions sa pamamagitan ng pag-shift sa renewable energy source.
Bukod sa dating bise presidente, naging speaker din sa naturang forum si Tacloban City, Leyte Mayor Alfred Romualdez at ibinahagi ang mga karanasan nang masalanta ang lungsod ng super typhoon Yolanda noong November 2013.
By Drew Nacino