Tinatayang 13 milyong pisong halaga ng shabu na tumitimbang ng dalawang kilo ang nasabat ng Quezon City Police District sa isang buy-bust operation sa Barangay Holy Spirit kaninang madaling araw.
Naaresto naman sa operasyon ang isang 27 anyos na babae at ang kaniyang kasamang lalaki na 35 anyos.
Ayon kay Senior Insp. Noel Victor, hepe ng QCPD Station 8, inilunsad ang operasyon matapos ituro ng isang drug courier ang kaniyang supplier.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.