Naglabas ng pahayag ang 13 mahistrado ng Korte Suprema na kasama sa en banc meeting upang linawin ang tunay na kaganapan sa likod ng leave ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sa statement na binasa ni Supreme Court Spokesman Theodore Te, sinabi ng mga mahistrado na matapos ang mahabang deliberasyon, napagkasunduan nila na dapat mag indefinite leave na si Sereno.
Nakasaad sa statement na marami silang inilatag na dahilan kung bakit kailangang mag indefinite leave ang punong mahistrado na nahaharap sa impeachment case.
Matapos umanong kumunsulta sa dalawang mas senior na justices ay inihayag na ni Sereno ang kanyang indefinite leave of absence.
Ang statement ay pirmado nina Senior Associate Justice Antonio Carpio na siyang itinalagang officer in charge ng Korte Suprema, Associate Justices Presbitero Velasco Jr, Teresita Leonardo de Castro, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Mariano del Castillo, Estela Perlas-Bernabe, Marvic Leonen, Francis Jardeleza, Samuel Martires, Noel Tijam, Andres Reyes at Alexander Gesmundo.
Una rito, sinabi ng mga tagapagsalita ni Sereno na nasa wellness leave ang Punong Mahistrado at nasa kanya ang pagpapasya kung kelan siya babalik sa trabaho.
The Court en banc regrets the confusion that the announcements and media releases of the spokespersons have caused which seriously damaged integrity of the Judiciary as a whole and the Supreme Court in particular. In the ordinary course of events, the Court expected the Chief Justice to cause the announcement only of what was really agreed upon without any modification or embellishment. Pahayag ni Te