Sumuko sa mga otoridad sa President Quirino sa Sultan Kudarat ang 13 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) – Karialan Faction.
Bukod sa mga sumuko, narekober ng mga tauhan ng 40th Infantry Battalion ang 13 armas na kinabibilangan ng tatlong M14 rifles, tig dalawang M79 grenade launchers, RPG launchers, 9mm submachine gun, tig isang Thomson rifle, M1 Garand rifle, Eddy’s US rifle at .50 sniper rifle kasama ang ilang round ng bala.
Ayon kay Major General Juvymax Uy, Commander ng Joint Task Force Central at 6th Infantry Division, nais nang mabuhay ng maayos ng mga nasabing rebelde kaya’t nananawagan sila sa iba pang rebelde na magbalik-loob na sa gobyerno at maging matiwasay na ang buhay kasama ang kanilang pamilya.