Pinasisibak na ng Office of the Ombudsman ang labing tatlong (13) high – ranking officers ng Philippine National Police o PNP matapos masangkot sa kontrobersyal na pagbili ng ‘choppers’ noong 2009.
Ito ay matapos na pagtibayin ng Korte Suprema ang resolusyon ng Ombudsman na sibakin ang mga opisyal ng PNP na sina Police Director Leocadio Santiago, Jr. at George Piano; Police Senior Superintendents Job Nolan Antonio, Edgar Paatan, Mansue Lukban at Claudio Gaspar, Jr.;
Police Chief Superintendents Herold Ubalde at Luis Saligumba; Police Superintendents Ermilando Villafuerte at Roman Loreto; Police Chief Inspector Maria Josefina Reco; SPO3 Ma. Linda Padojinog, PO3 Avensuel Dy at non-uniformed personnel na si Ruben Gongona.
Nag – ugat ang reklamo matapos bumili ang mga ito ng dalawang (2) standard Robinson R44 Raven one light police operational helicopters na nagkakahalagang halos 63 milyong piso at isang fully equipped Robinson R44 Raven two na nagkakahalaga ng mahigit 42 milyong piso.
Mahaharap din ang mga nasabing PNP official sa parusang diskwalipikasyon na umupo sa pampublikong tanggapan at pagkawaling bisa ng retirement benefits.