Patay ang 13 indibidwal habang sugatan naman ang tatlo pa sa banggaan ng dalawang sasakyan sa Central Angola.
Ayon kay National Police Spokesman Martinho Kavita Satito, ang mabilis na pagpapatakbo at kawalan ng disiplina ng mga driver na kinabibilangan ng isang Toyota Hi-Ace van at isang Kia Tourer ang dahilan ng aksidente.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad sa naganap na aksidente. —sa panulat ni Angelica Doctolero