13 construction workers ang nasawi matapos ma-trap sa isang binahang tunnel sa Zhuhai, China.
Ayon sa ulat, 14 katao ang na-trap sa construction site ng Shijingshan Tunnel nang bahain ito.
Ang tunnel ay bahagi ng major expressway sa Zhuhai sa Guangdong Province na umuugnay sa Macau at Hong Kong.
Nagpapatuloy naman ang rescue operations sa ilang construction workers na na-trap sa tunnel. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico