13 babae ang nasawi matapos na aksidenteng mahulog sa isang balon sa Northern India.
Batay sa ulat, dumalo ang mga biktima para sa isang wedding ceremony.
Ayon sa mga otoridad, nakaupo ang mga biktima sa isang bakal na nagsisilbing takip ng naturang balon.
Hindi umano nito kinaya ang bigat ng mga biktima kaya’t bigla na lamang itong bumigay.
Tiniyak naman ni prime minister narendra modi ang tulong para sa mga biktima.