13 ang patay habang dalawa ang sugatan nmakaraang bumulusok sa bangin ang isang pick-up truck sa Uttarakhand State, India.
Ayon sa mga otoridad, binabagtas ng mga biktima ang bulubunduking bahagi ng bayan ng Chakrata nang mahulog sa 400 talampakang bangin.
Karaniwan na ang ganitong mga road accident lalo sa mga liblib na lugar sa India kung saan walang maayos na mga kalsada.
Nasa 150k katao ang namamatay sa road accident sa India, kada taon at karaniwang sanhi ay mabilis na pagpapatakbo at hindi paggamit ng seatbelts at helmets. —sa panulat ni Drew Nacino