Labingtatlo (13) ang patay sa inilunsad na anti-illegal drugs operation ng Philippine National Police (PNP) kahit Semana Santa.
Pinakamarami ang naitala sa Metro Manila na pito (7); dalawa (2) sa Southern Tagalog at tig-isa sa Bicol, Central Visayas, Zamboanga Peninsula at Davao Region.
Nasa limandaang animnapung (560) operasyon naman ang inilunsad ng PNP sa buong bansa sa nakalipas na tatlong (3) araw kung saan mahigit isanlibong (1,000) drug suspects ang naaresto at tinaya sa mahigit tatlong libong (3,000) iba pa ang sumuko.
Samantala, mahigit labing-isang libong (11,000) police assistance desks naman ang idineploy ng PNP upang tumulong sa mga biyahero noong Mahal na Araw sa ilalim ng Oplan Sumvac o Summer Vacation 2017.
By Drew Nacino