13 katao patay habang 49 katao naman ang sugatan matapos ang panibagong missile strike ng Russia sa Zaporizhzhia, Ukraine.
Ayon sa mga otoridad, target sa naturang pag-atake ang Southern Ukrainian City, na itinuring ni President Volodymyr Zelensky na “absolute evil”.
Sinabi pa ni Zelensky na ang walang awang pag-atake sa mga Ukranian gayundin sa mga gusali’t tirahan ay kagagawan ng mga ganid at mga terorista.
Nabatid na nangyari ang insidente isang araw lamang matapos ang nangyaring pagsabog sa tulay na nagko-konekta sa Crimean Peninsula at Russia. —sa panulat ni Jenn Patrolla