Hinatulan ng korte sa Cambodia ng apat na taong pagkakakulong ang 13 Pilipinang buntis dahil sa pagiging surrogate.
Ayon sa korte sa lalawigan ng Kandal, kabilang ang 13 sa 24 na dayuhang kababaihan na ikinulong sa Kandal at kinashuhan ng attempted cross-border human trafficking.
Bukod sa 13 Pilipina, ikukulong din sa loob ng dalawang buwan at isang araw ang isang Cambodian citizen dahil sa pakikibagsabwatan sa mga suspek.
Kaugnay nito, pitong iba pang Filipino at apat na Vietnamese na kababaihan na hindi buntis ang ipina-deport na ng Cambodian government.
Hindi pa idinedetalye ng Kandal Court kung ano ang gagawin sa mga sanggol na ipapanganak ng 13 Pinay sa Cambodia. – Sa panulat ni John Riz Calata