13 Pilipino ang naharang sa Ninoy Aquino International Airport dahil sa pekeng boarding pass.
Ayon sa Bureau of Immigration Port Operations Division Chief Grifton Medina, hindi pinayagang sumakay ng eroplano patungong Hong Kong ang pitong lalaki at anim na kababaihan.
Lumalabas kasi na wala sa sila sa manifest at hindi rin sila na isyuhan ng airline ticket na ibig sabihin ay peke ang kanilang hawak na boarding pass.
Kaugnay nito, nagbabala naman ang mga otoridad sa pagbili ng mga murang airline tickets sa social media dahil posibleng sa halip na makamura ay maloko pa ng scammer.