Kinilala na ang 13 Pilipinong nasawi sa aksidente sa Hufof Al Ahsa Province sa Saudi Arabia.
Ayon sa embahada ng Pilipinas Riyadh at Saudi Kentz Engineering and Contracting Company kabilang sa mga nasawi sina Albert Constante, Cliff Canque, Delbert Landicho, Eric Adorable, Frederick Kong, Gerardo Tan, Jessie Cruz, Jeriel Saril, Jonathan Nicart, Jose Catiltil, Patricio Tolosa, Paul John Velasquez at Rodolfo Castillo, Jr.
Nagpapagaling naman sa ospital ang isang Renier Ortega.
Kasabay nito, nanawagan ang embahada sa kaanak ng mga nasawing OFW na magtungo sa DFA para maibigay sa kanila ang “consent to accept the remains”.
By Judith Larino