Kinukupkop ngayon ng Embahada ng Pilipinas ang labingtatlong (13) Filipino nurses na tumakas sa gitna ng kaguluhan sa labas ng Tripoli, Libya kung saan naroon ang pinapasukan nilang ospital.
Ayon kay Ambassador Elmer Cato, kabilang ang 13 nurses sa halos apatnapung (40) OFWs na umalis na sa pinapasukang ospital dahil sa kaguluhan.
Ang iba anya ay nakikituloy muna sa kanilang mga kaibigan o kamag-anak kasama ang kanilang mga dependents.
Sa ngayon anya ay shelter o kanlungan lamang ang hanap ng mga OFWs sa Libya habang magulo pa sa lugar ng pinapasukang ospital.
Una nang inilagay sa alert level 4 ang Tripoli, Libya at mga karatig lugar na nangangahulugan ng mandatory repatriation ng mga OFWs.
Mino-monitor natin ‘yung sitwasyon ng mga kababayan natin sa ibang mga areas kung saan may labanan. ‘Yung mga na-trap no’ng isang araw ay nakaalis na du’n sa lugar nila at ‘yung mga hindi makaalis inadvise nalang naming sila na mag-stay indoors.” ani Cato.
Ratsada Balita Interview