Sugatan ang 13 Pilipino nang maaksidente ang sinasakyang bus sa Mount Sinai sa Egypt.
Kabilang sa mga sugatan ang 11 duktor na bahagi ng grupo ng 15 Pilipino mula sa Davao City na nakiisa sa isang Holy Land tour.
Kinumpirma ng isang duktor na ang mga kasamahan niya ay bumisita sa Saint Catherine’s Monastery sa paanan ng Mount Sinai nang mangyari ang aksidente sa ikatlong araw na ng kanilang tour.
Sinabi ng naturang duktor na hindi siya sumama sa nasabing tour at naiwan muna sa hotel para samahan ang 82 taong gulang na ina na masama ang pakiramdam.
Ang mga sugatang Pinoy ay nasa isang ospital sa Egypt matapos magtamo ng bali sa katawan at ilang pasa at sugat.
Tiniyak naman ng Philippine Consulate sa Egypt ang tulong sa mga nasabing Pinoy tourists.