Labing-tatlo (13) pang Public-Private Partnership Projects ang inaasahang aaprubahan ni Pangulong Noynoy Aquino bago siya magtapos ang kanyang termino sa June 2016.
Ayon kay PPP Center Executive Director Cosette Canilao, umaasa sila na hindi na magkakaroon ng gusot sa pinaplantsang mga bidding na posibleng isagawa ngayong taon o sa susunod na taon.
Kabilang sa mga proyekto ang Integrated Transport System – South Terminal Project; Bulacan Bulk Water Supply Project; Regional Prison Facilities; Operation and Maintenance ng Light Rail Transit Line 2; Laguna Lakeshore Expressway-Dike Project; Development, Operations and Maintenance ng Regional Airports tulad ng New Bohol, Laguindingan, Davao, Bacolod at Iloilo.
By Drew Nacino