Kinasuhan na ng paglabag sa anti hazing law ang 13 suspek sa pag-hazing sa criminology student na si Jonathan Concordia sa Laguna.
Una nang tinukoy ng San Pablo City Police na pawang mga miyembro ng Tau Gamma Phi Fraternity ang mga suspek, batay na rin sa natuklasang facebook chat nang mabuksan ang cellphone ng biktima.
Sa ngayon, bumubuti na ang kalagayan ni Concordia bagama’t hirap pa rin itong magsalita dahil sa trauma sa kanyang utak.
Magugunitang, isinugod sa ospital ang biktima nang biglang himatayin habang nasa gym ng pinapasukang Laguna State Polytechnic University sa Laguna noong September 23.
Doon naman nadiskubre ang mga marka sa katawan ni Concordia na nakuha nito mula sa pagsali sa isang fraternity.